Kabanata 1 - Kaharian ng Berbanya
Noong unang panahon, sa isang mapayapang lugar ng Berbanya
ay may isang magiting na mandirigmang barbaro na ang pangalan ay Conan.
BARBARO po hindi BARBERO. Pagod na siyang manakop at kumitil ng mga buhay at
kaya naman napagpasyahan niyang magtayo na lang ng Mister Donut na puro
Bavarians lang ang paninda sa may Berbanya branch. Sa unang kwento palang alam
niyo nang jinojoke time ko lang kayo.Wala naman talaga siyang kinalaman sa
kwento. Pagtuunan nalang natin ng pansin ang kaharian ng Berbanya.
Sa isang mapayapang kaharian ng Berbanya, ay mayroon isang
mabuting hari na ang pangalan ay Haring Fernando at ang kanyang kabiyak na
asawang si Reyna Valeriana. Sila ay may tatlong anak na mga prinsepe ng
nasabing kaharian. Si Don Pedro, ang panganay anak na kamukha ni Paquito
Diaz na wala nang gagawing kabutihan sa kwentong ‘to, si Don Diego, ang
pangalawa na walang gagawin kundi magpauto sa kapatid niyang si Don Pedro at
ang huli ay si Don Juan, ang bunso at syempre siya ang bida sa kwentong ‘to. ‘
Oh, siya tama na muna magpa-cute. Mamaya pa kayo eeksena sa kwento.’
Gaya na lang ng inaasahan sa kwento na tulad na lang ni Haring
Talangka ng Alamat ng Gubat at ng maraming marami pang hari na wala namang
ibang papel sa kwento kundi ang magkasakit, e yun nga at nagkasakit nga si
Haring Fernando. Tumawag sila ng mga doctor pero wala silang magawa sa kanyang
sakit. Tanging ang albularyong si Dong Abay, na binigyan ng maliit na role ng
direktor na magpayo, ang nagsabing tanging kanta lamang ng Ibong Adarna na
matatagpuan sa Bundok Tabor ang siyang makapagpapagaling sa sakit ng amang
hari. Sa ngayon ay nakaconfine sa PGH ang nasabing hari.
Chapter 2 : Ang Pagpapapogi ni Don Pedro sa Amang Hari
Dumating na nga ang panahon na kinahihintay ni Don Pedro para
magpacute sa amang hari. Syempre dagdag pogi points niya ito para matupad ang
pangarap niyang maging susunod na hari! At yun nga ang nangyari, nagpost muna
siya sa FB bago mag-log out bago umalis ng kaharian. Naglakbay nga ito
patungong Bundok Tabor kasama ang kanyang kabayo na hindi rin nagtagal ay
nagresign sa serbisyo dahil sa layo ng nilalakbay nila. Hindi naging hadlang
yun kay Don Pedro para maglakbay patungong Bundok Taborkung saan makikita ang
Piedras Platas na kung saan nagkukuta ang ibong Adarna.
Limang buwan rin siyang naglakbay na kung tutuusin kung
nagMRT siya tiyak na makakadating kagad siya sa kanyang inaasam na Bundok
Tabor. Hayaan niyo na trip niya yun eh at nagtitipid lang din siguro.
Di rin nagtagal ay nakadating na rin siya pinapangarap niyang
destinasyon. Nakita niya sa Mt. Tabor ang isang punong kumikislap na tila
diamante. Hindi sa nag-iimagine siya o sa lulon lang sa pinagbabawal na gamot.
Nakita na talaga niya ang Piedras Platas – isang punong kumikislap na tila
diamante!
“Wow! Pang –facebook!” (Mukhang ang pangit pakinggan sa istorya.
Pinoy na Pinoy ang reaction. Rephrase. Rephrase. )
“Wow! ang ganda naman ng Piedras Platas! Kayganda naman ng
punong ‘to, kumikislap na parang diamante!...Pang-facebook!” sabi
niya sa sarili niya habang naglalakad sa ilalim ng puno. “Magkano kaya
kung i-export ko ‘tong troso na ‘to?”
Napaupo muna si Don Pedro dahil sa sobrang haba ng kanyang
nilakbay. Good timing dahil wala pa naman ang Ibong Adarna,
nagpicture-picture muna siya sa bawat anggulo ng puno para may maipost
rin sa Instagram at Facebook! Ilang oras na rin ang lumipas at inabot na rin
siya ng gabi ng lagim. Nangalay na ang panga sa kakangiti at pudpod na mga
daliri nito sa kakapindot ng cellphone niya na mas makunat pa sa gulong ang
keypad. Ilang minuto lang ay dumating na nga ang ibong Adarna . Kakatapos lang
nitong maki-jamming with her friends na angry birds at makipagdate sa Agila.
Ayun nga. Syempre as usual na mangyayari, mamamangha muna si Don Pedro sa ibon.
Hindi yung mismong nakita mo lang yung ibon, huli agad? Hindi ganun! Di ba
pwedeng bubuksan mo muna yung zipper bago mo hawakan (Oops! Sorry mali!
Rephrase.Rephrase.) Di ba pwedeng pagplaplanuhan muna bago hulihin? At gaya uli
ng mga nakaugaliang Pinoy, pipichuran na naman niya ito para may mailagay sa
Instagram at Facebook. Pero sa kasawiang palad, di na niya maitutuloy pa ang
gusto niyang gawin (kasi wala rin naman talaga yun sa script!).Kinantahan na
siya ng ibon na nging dahilan para antukin siyang bigla. “Ken
Lee tulibu dibu douchoo, Ken Lee mejuu moorree, Ken Leeeeee ilibu dibu
douchoo, Ken Leee, I can’t ive anymooree!” (Kung di niyo alam ang kantang
‘to i-google niyo nalang!)
Ayun, nahulog ang cellphone ng prinsipe. Rerequest pa sana siya
ng kantang ‘Baby ni Justin Bieber’ pero di na niya nagawa.Sa masamang palad at
naaayon na rin sa kapalaran sa script (kahit na hindi niya ring gustong
maiputan), ginawang inidoro ng ibon ang bunbunan ng prinsipe na siya namang
naging dahilan kaya siya maging isang matigas na bato. Sa gandang klase ng
batong ‘to ay pwede ring i-export sa ibang bansa!
Chapter 3: Don Diego “ako naman ang magpapacute!” sa Amang Hari!
Umuso na ang “Call Me Maybe” ni Carl Japsen ay hindi pa rin
nakakabalik ng palasyo si Don Pedro.
Kahit na nabasa na ng mga ‘to ang mga pangyayari sa script na
maiiputan sa bunbunan ang panganay na prinsipe at dahilan para maging bato,
nagawa paring umarte na nababahala ang buong kaharian. Kung bibilangin mo ang
bawat minuto, nasa "five-hundred-twenty-five thousand-six-hundred-minutes.."
(kailangang may tono habang binabasa niyo yan) nang di pa nakakabalik ang
panganay na prinsipe. Dahil dito, di man kagustuhan ng hari pero kailangan
paring sundin ang script, inatasan niya ang ikalawang prinsipe na si Don Diego
na magvacation trip muna papuntang Mt. Tabor pero dapat bumalik siyang may
pasalubong na Ibong Adarna at ang kanyang kapatid na si Don Pedro. Tulad din ng
inaasahan. Di rin siya sumakay ng MRT para mapabilis ang kanyang paglalakbay.
Syempre dumaan din sya sa hirap tulad ng kanyang kapatid, bago makarating
man dumating sa Mt. Tabor. Gaya ng inaasahang mangyari sa script, nakapunta rin
siya sa Mt. Tabor at nasa harap na ngayon ng Piedras Platas.
“Ano bang laking hiwaga, punong ganda’y nakakaakit sa mata!…
Lumalalim na ang gabi, ako’y mamahinga muna” wika ni Don Diego.
Sa pagkahaba-haba ng kanyang nilakbay, dinala siya ng mga paa
nito sa harap ng isang malaking bato para umihi. Ga-gripo niyang binomba sa
bato nang di niya namalayan na nakakatandang kapatid pala niya yung iniihian
niya. Eew. Huli niya na lang din pinaghinayangan nung maisip niya na ang ganda
pala ng kwaliti ng batong inihian niya. Pwedeng pag-export sa ibang bansa!
Di ko na rin papahabain ang kwento pa dahil doon rin naman
ang punta nito. Pipicture-picture. Makakatulog sa kanta at maiiputan ang loko.
Ang song for the day naman na kinanta ng ibon : ‘Eto akoooooo…Basang basa
sa ulaaann, walang masisilungaaann, walang makakapitaaannn..”
Chapter 4: Don Juan : ‘Kung papogian lang ang laban ay wag
kayong maghahamon!’
Sa loob ng silid ng amang hari ay nandoon ang magkakapamilya.
”Mahal ko, masama ang kutob ko sa nangyayari kina Don Pedro’t
Don Diego. Ano ba ang dapat gawin natin? Hindi na rin sumasagot sa mga calls ko
si Don Diego? OMG!! I’m really worried right now, Amang Hari!” tugon ni
Reyna Valeriana na nababahala na.
Tumingin ang hari sa bunsong anak. Magsasalita palang ang hari,
sinapawan kagad ni Don Juan ang hari.
“Ay BONGGA! Kalorkey! Mukhang ibang iba na ata yan tingin niyo
sakin father. Kinakabahan ako dyan!!
“Huh? Anong pinagsasabi mo dyan prinsipe? Hihingi lang ako sa’yo
ng tubig..”
“Father, katabi niyo lang po ang basong tubig”
“Wag kang tamad, kunin mo dito at ibigay saking kamay..”
Umikot nga si Don Juan sa kabilang side ng kama para kunin at
ibigay sa ama ang basong tubig.
“Salamat. Anak. Anak, kabisado mo pa ba yung script na sasabihin
ko?”
“Ay, ganun? nahiya naman ako sa inyo, Tay! Pero sige, ito.” Nag-pumilit
boses Mic Enriquez si Don Juan at nagsabi, “Anak, ikaw nalang ang aking
pag-asang ako’y gumaling na, sa pamamagitan ng paghahanap sa mahiwagang Ibong
Adarna”
“Magaling Anak. At ano ang ‘yong tugon mo para dyan?”
Ama, gagawin ko po ang aking makakaya. Kahit na labag man sa
loob ko tong gagawin ko, Kung bakit hindi na lang mga kawal pa natin ang
pag-utusan niyo sa pagkuha ng ibong yan at kailangan AKO PA,titiyakin ko po sa
inyong huhulihin ko ang LINTIK na ibong adarnang yan na magiging mitsa at
dahilan para pag-gugulpi-gulpihin ako nang todo max ng aking mga SH*T na
mababait at masunurin kong kapatid, na sumusunod lamang sa bwakanangamang
script ‘to. Makakaasa kayo gagawin ko lahat ng makakaya ko alang alang sa ikagaganda
ng kwento.Paalam po sa inyo.” Sagot ni Don Juan.
“Maraming Salamat, Anak! I’m so proud of you!”
Wala nang seremonya pang ginawa si Don Juan. Handa ang mga
maleta at umalis na agad ito ng kaharian sakay sa isang donkey.
Tumutugtog ang favorite niyang background song habang paalis
siya ng kaharian: "Sino
si Ramon Bautista, Yung Pogi! Sino si Ramon Bautista, Yung Pogi!"
(Repeat 2x then fade)
No comments:
Post a Comment